 | Church of Our Most Beloved Ingkong (COMBI) | Mar 18, 2009 |
Ave Maria Purissima! Maraming salamat sa inyo mga kapatid sa pagdalaw dito sa aking site. Nang mawala sa mundo ang ating pinakamamahal at iginagalang na Mama Sta. Maria Virginia, winika Niya sa taga bundok na Siya ay magbabalik at hindi magtatagal. Dumating ang panahon na ito na nga, na ang Mama ay muling bumalik hindi ng katawang lupa kundi ang Kaniyang Espiritu. Siya ay nagkatawang tao kay Sta. Adelaida Ludivina Omagap na isa ring tinatakan ng Mahal Na Ingkong. Si Sta. Adelaida ay ang reinkarasyong katawan ng Mama Sta Maria Virginia, siya ang luklukang ginagamit ng Mahal Na Ingkong, ng Mahal Na Ina, siya ngayon ang luklukan ng Santissima Trinidad. Siya ang babaeng tinakwil sa bundok ng mga namumuno, ng mga kaparian dahil ang inaakala nila ay naghahangad ang babaeng ito. Si Sta. Adelaida ay ang babaeng tinanggalan ng belo ng ating iginagalang na Patriyarka Juan Florentino, na siya daw ay nagpapanggap, nais magpakayaman, nais magtayo ng konggregasayon. Winika ng Mama, "yayamang hindi nila Ako matanggap, ibababa Ko ang Aking simbahan, ang Church of Our Most Beloved Ingkong." Marami ang ayaw maniwala na nagbalik na ang Mama, marami ang humahatol sa katawang ginagamit ngayon ng Mama. Ang dahilan nila, bakit sa babaeng iyan gagamit ang ang Mahal Na Ingkong, hindi sa angkan ng Mama? winika ng Mahal Na Ingkong "Hindi ninyo maaaring utusan ang Diyos kung kanino Ko nais gumamit, sapagkat ang mga naghahangad ay siyang pinagkakaitan at ang hindi naghahangad ang siyang pinagkakalooban" Si Sta. Adelaida ay hindi naghangad, hindi niya nais na siya ay maging luklukan o maging reinkarnasyong katawan ng Sta, Maria Virginia. Ang kaganapang ito ng Mama ay extension na lamang ng kaniyang kaganapan noong Siya ay nabubuhay. Hindi man siya karapatdapat sa inyong mga paningin, subalit siya ay pinaging dapat ng Santissima Trinidad. Sa kaniya magpapatuloy ang pagtatatak. Dito sa simbahang ito ng Church of Our Most Beloved Ingkong ay nagpapakilala na ang tinatawagan nating Mahal Na Ingkong ang Diyos Espiritu Santo ay ang Mahal Na Birheng Maria at ang ating pinakamamahal na Mama Sta. Maria Virginia ay Diyos din pla. Nagkatawang tao ang Mahal Na Ina sa katauhan ng isang Pilipina noong December 30, 1920 sa katauahan ng Mama Sta. Maria Virginia. Ang Espiritu Santo ay ang ikatlong Tipan walang iba kundi ang kaganapan ng Mahal na Birhen Maria o ng Mahal Na Ingkong. Dito sa simbahang ito titipunin ng Mama Sta. Maria Virginia ang kaniyang mga tinatakan na kumikilala sa kaniya.subalit sa mga hindi kumikilala ay hindi rin naman niya kilala. Ito lang ang masasabi ko sa inyo mga kapatid, una-una lamang iyan at kung nais ninyong masumpungan ang katotohanan, inaanyayahan ko kayo na pumunta sa Phase 3 Lot 3 Bagong Silang, Caloocan City.  | Photos | Nov 5, 2009 |
Araw ng mga Banal / Phase 3 Bagong Silang, Caloocan City 5 Photos
Mga kaganapan ng Holy Week 2009 20 Photos
Holy Week 2009 5 Photos
holy week 2009 4 Photos
|
 | Blog | Aug 31, 2009 |
Kung kaya't narito ang mga mandirigma, mandirigma sa langit, Aking ibinaba ang hukbo ng sandatahang lakas ng kalangitan, upang digmain ang mga espiritu, mga espiritung naglipana sa sa mundong ito. kung kaya't bantayan ninyo ang inyong mga sarili,... more
| |
|